--Ads--

CAUAYAN CITY – Isasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) mamayang alas otso ng gabi ang Lunsod ng Ilagan matapos ang 14 na araw na pagsailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Matatandaang isinailalim sa ECQ ang Lunsod ng Ilagan noong ika-16 ng Oktubre 2020 dahil sa mataas kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay Mayor Josemarie Diaz, matapos ang ilang linggong pakikibaka sa COVID-19 ay nakapagtala na lamang ng 26 na kaso ang Lunsod ng Ilagan na mababa kumpara sa mga nakalipas na linggo na umabot sa mahigit 100.

Tinatayang nasa 83% na ang recovery rate sa lunsod dahil sa 476 na naitalang kaso ay 157 na lamang ang aktibong kaso.

--Ads--

Kaugnay nito ay palalawigin ang lockdown sa loob ng limang araw sa 7 barangay ng lunsod na kinabibilangan ng Bliss Village, Guinatan, Alibagu, Baculud, Alinguigan 2nd, Baligatan at Calamagui 1st dahil sa mga naitatala pang kaso ng COVID-19.

Ang pahayag ni Mayor Josemarie Diaz