--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinangangambahan ng pinuno ng mga meat vendors sa pribadong pamilihan sa lunsod ng Cauayan ang posibilidad na kakulangan ng tustos ng karne sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Boyet Taguiam, pinuno ng mga meat vendors sa pribadong pamilihan, sinabi niya na hindi isinasantabi ng mga nagtitinda ng karne ng baboy ang posibilidad na maubusan ng tustos ng baboy ang lungsod sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon dahil sa patuloy na kunti ng supply ng baboy sa lungsod.

Anya, tanging ang mga baboy na nanggagaling sa lungsod ng Cauayan pa rin umaasa ang mga meat vendors sa pribadong pamilihan.

--Ads--

Paliwanag ni Ginoong Taguiam, bagamat pinapayagan na silang mamili ng baboy sa mga green zone municipalities ay hindi umano nagpapasok ng mga dayuhang mamimili ang mga naturang bayan gayunman naiintindihan ito ng mga meat vendors dahil may mga tinutustusan din ang mga nagaalaga ng baboy sa mga green zone municipalities.

Ayon kay ginoong Taguiam dahil sa kakaunting tustos ng baboy sa lungsod kung kaya nanatili paring mataas ang presyo ng karne ng baboy na naglalaro sa dalawang daan limampong piso bawat kilo.

Bahagi ng pahayag ni Ginoong Boyet Taguiam, ang pinuno ng mga meat vendors sa pribadong pamilihan sa lunsod ng Cauayan.