--Ads--

CAUAYAN CITY – Apektado pa rin ang ilang transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga lugar na mataas ang tubig-baha.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Communications and Public Affairs Officer Malou Refuerzo ng NGCP North Luzon na wala namang nasira sa kanilang linya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila maibalik ang linya ng kuryente sa kanilang mga nasasakupan dahil marami pa ang lubog sa baha.

Kabilang dito ang Gamu-Ilagan-Naguilian-Reina Mercedez line sa Isabela kung saan ang apektado ay ang Isabela Electric Cooperative (ISELCO) 2.

Una rito ay nagkaroon din ng hindi inaasahang brownout sa Santiago-Cauayan line kung saan ang apektado ay ang ISELCO-1 noong ika-12 ng Nobyembre dahil sa mataas na antas ng tubig.

--Ads--

Sa lalawigan naman ng Cagayan ay apektado ang Tuguegarao-Magapit-Camalaniugan-Sta. Ana line dahil at apektado dito ang Cagayan Electric Cooperative (Cagelco) 2.

Ayon kay Bb. Refuerzo, kailangan nilang hintayin na bumaba ang level ng tubig at sundin ang distance clearance na nasa 60 para kahit may dumaan na debris ay hindi madamay ang kanilang linya.

Bukod dito ay para maprotektahan din ang mga mamamayan.

Ang pahayag ni Bb. Malou Refuerzo.