--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ng Office of the Civil Defense o OCD Region 2 ang dalawampung casualty sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Michael Onag, ang Information Officer ng OCD Region 2, sinabi niya na sampu rito ay mga nasawi sa naganap na landslide sa lalawigan ng Nueva Vizcaya

Walo naman ang mula sa Cagayan partikular sa bayan ng Baggao, Alcala at isa ang mula sa lunsod ng Tuguegarao.

Dalawa naman ang nagmula sa Isabela partikular sa bayan ng Angadanan at Benito Soliven.

--Ads--

Nasa 717 na barangay ang naapektuhan sa buong rehiyon dos.

Umabot naman sa 97, 073 na inisyal na bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa ilang lalawigan at munisipalidad sa rehiyon dos.

Nasa mahigit siyamnaput pitong libong pamilya na binubuo ng 343, 202 na indibidwal ang inisyal na bilang ng mga apektado ng pagbaha.

Sa lalawigan ng Cagayan, nasa 46, 867 na pamilya na binubuo ng 167, 604 na indibidwal ang naapektuhan.

Nasa 47, 564 na pamilya naman na binubuo ng 164, 125 na indibidwal ang apektado sa lalawigan ng Isabela.

Umabot naman sa 2, 143 na pamilya na binubuo ng 9,731 na indibidwal ang apektado sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Mayroon namang 4, 255 na pamilya na binubuo ng 13, 954 na indibidwal ang kasalukuyan pa ring nananatili sa mga evacuation centers.

Ayon sa OCD Region 2, may kabuuang bilang na dalawang daan at dalawang evacuation center sa buong rehiyon.

Ayon sa OCD Region 2, may ilang mga lugar pa ring wala pang daloy ng kuryente sa lalawigan ng Cagayan.

Pinakaapektado naman sa rehiyon ang lunsod ng Tuguegarao na kasalukuyan pa rin ang pagrescue ng mga otoridad pangunahin na sa Brgy. Linao.

Ayon kay Information Officer Conag, problema din ngayon ang mga evacuation centers dahil may mga lubog na rin sa baha kaya patuloy naman ang paghahanap sa mga lugar na pwedeng gawing evacuation center para sa mga marerescue pang mga mamamayan.

Tiniyak naman ng OCD Region 2 na maibibigay ang karampatang tulong sa mga mamamayang apektado ng pagbaha dahil ang ilan sa mga tulong ay nakarating na at may mga susunod pa umanong kasalukuyan pa ang pagbyahe.