CAUAYAN CITY – Nangako ng dalawampung milyong pisong halaga ng tulong ang National Housing Authority o NHA para sa mahigit 200 pamilyang naapektuhan sa malawakang pagguho ng lupa sa nasabing bayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Dakila Dax Cua ng lalawigan ng Quirino, sinabi niya na binisita niya mismo ang pinangyarihan ng pagguho ng lupa sa San Pugo Nagtipunan at nakita niya ang sitwasyon doon.
Aniya mabuti na lamang at nailikas ang mga residente kahit gabi na nangyari ang pagguho ng lupa kaya walang mga naitalang nasugatan o nasawi
Sa ngayon ay pinaplano na ng lokal na pamahalaan ang relocation site para sa mga residente.
Nagpasalamat naman si Gov. Cua sa NHA sa pangakong pagbibigay ng dalawampung milyong pisong halaga ng tulong para sa mga residenteng naapektuhan ng naganap na pagguho ng lupa.