--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinamamahagi na ngayon ng DOLE ang ayuda para sa labinlimang libong manggawa partikular sa Lambak ng Cagayan na kamakailan ay pinaka naapektuhan ng Pagbaha.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Sec. Silvestre Bello III sinabi niya na sa ilalim ng Cash for work ibibigay bilang advance salary ang 20% ng kabuuang sahod nila habang ang final payment ay makukuha nila pagnakumpleto na ang labin dalawa hanggang labinlimang araw na trabaho sa ilalim ng pangangasiwa ng DOLE.

Ayon kay Labor Sec. Bello nagbigay na rin ang pondo para sa proyekto sa region 2 para sa mga magiging benipisyaryo ng Cash for Work na nagkakahalaga ng 200 million pesos.

Bahagi ng pahayag ni Labor Secretary Sylvestre Bello III.

Naglaan ng inisyal na limampung milyong piso ang DOLE Region 2 para sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Lalawigan ng Cagayan at Isabela.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Chester Trinidad, ang information officer ng DOLE Region 2, sinabi niya na nagsimula na ang payout para sa mga benepisaryo ng TUPAD.

Nasa siyam na libo at limamput walong workers na napabilang sa Cash for work program ng DOLE at makakatanggap sila ng tiglimang libo at limandaang piso.

Aniya dadagdagan pa ng ahensya ang bilang ng mga benepisaryo upang mas maraming matulungan.

Ang unang pitong araw ng pagtatrabaho ng mga workers ay may naibigay na ang bayad sa mga ito.

Sinagot naman ng DOLE ang report ng ilang mamamayan patungkol sa mga TUPAD Workers na hindi nagtatrabaho pero nakakatanggap pa rin sa programa ng ahensya.

Ayon kay Ginoong Trinidad maaaring personal na magtungo sa mga peso managers sa bawat LGU at doon ireklamo ang mga ito at maaaring ipadala sa kanilang social media accounts upang mapuntahan ng mga labor inspectors maberipika ang impormasyon.

Inanyayahan ng DOLE Region 2 ang mga mamamayan na nais na mag apply sa CAMP na bisitahin na ang kanilang website dahil madami pang kulang sa kanilang benepisaryo.

Bahagi ng pahayag ni DOLE Region 2 Information Officer Chester Trinidad.