CAUAYAN CITY – Ipinagkatiwala ng team mula sa National Capital Region Police Office o NCRPO sa himpilan ng Bombo Radyo Cauayan ang ilang donasyon at ayuda para sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa lalawigan ng Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Emmanuel Villar ng Malabon police station sinabi niya na pili nilang benipisyaryo ng kanilang donasyong bottled water at face shields ang Bombo Radyo Cauayan at ang Our Lady of The Pillar Parish para maipamahagi sa mga kababayang nasalanta ng Bagyong Ulysses sa lalawigan ng Isabela.
Aniya nahati ang team mula sa NCRPO sa dalawa na naugmento o nagtungo sa Lalawigan ng Isabela at Cagayan para magsagawa ng relief efforts sa mga lugar pinaka naapektuhan ng pagbaha sa lambak ng Cagayan.
Namahagi ang grupo nila PLt. Villar ng Humigit kumulang limang daang face shield, limang daang bottled water at ilang relief goods na kasalukuyang ni re-repack sa Camp adduru sa Lunsod ng Tuguegarao.
Ipinapaubaya naman ni PLt. Villar sa Himpilan ng Bombo Radyo Cauayan ang pagpili ng mga benipsiyaryo para sa kanilang donasyong face shield at tubig.