--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumalik na sa kanilang mga units ang mga ipinadalang air assets ng Philippine Air Force na nag nagsagawa ng Aerial Relief Operations sa lalawigan ng Cagayan na dumanas ng malawakang pagbaha.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Col. Augusto Padua, Commander ng Tactical Operations Group o TOG 2, sinabi niya na naka pag exit-call na sila kay Cagayan Governor Manuel Mamba matapos tapusin na ang aerial relief operations dahil maaari nang daanan ang lahat ng mga lansangan patungo sa mga barangay na pinaka naapektuhan ng malawakang pagbaha sa lalawigan.

Labis namang nagpapasalamat si Col. Padua sa kabutihang loob na ipinakita ng mga taga-lalawigan ng Cagayan sa Philippine Air Force.

Aniya nakakataba ng puso ang pag-aalay ng bulaklak at rosaryo ng ilang kabataang mula sa Cagayan bilang pasasalamat sa mga kawani ng TOG 2 Philippine Air Force na nanguna sa paghahatid ng ayuda sa mga isolated na barangay.

--Ads--

Nilinaw naman niya na bagamat na bumalik na sa kanilang unit  ang mga helicopter ng TOG 2 ay nanatili pa rin sa lalawigan ng Cagayan ang kanilang rescue teams para ipagpatuloy pa rin ang relief operations sa ground forces.

Nanatili namang COVID 19 free ang TOG 2 gayunman kasalukuyang sumasailalim sa isolation ang mga kawani ng TOG 2 na may exposure at bumalik buhat sa lalawigan ng Cagayan.

Bahagi ng pahayag ni Col. Augusto Padua