--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 2.5 million pesos ang naipagkaloob ng DILG Isabela na tulong sa limamput isang rebel returnees at dating kasapi ng militia ng bayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Local Government Operations Officer 3 Rhonalyn Maquinad ng DILG Isabela na katuwang nila ang DTI, TESDA, DSWD, NHA, DOLE at iba pang ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay tulong pananalapi sa mga rebel returnees.

Ayon kay LGO Officer 3 Maquinad, ang DILG Isabela ay nakapagbigay na ng financial assistance sa mga rebel returnees na sumuko simula noong April 3, 2018 sa ilalim ng E-CLIP.

Ilan lamang sa naipagkaloob sa mga sumukong rebelde at kasapi ng Militia ng Bayan ang immediate assistance na labing limang libong piso bawat isa bukod pa sa limampong libong pisong  livelihood assistance sa bawat rebel returnee.

--Ads--

Kapag ang rebel returnee at Militia ng Bayan ay nagsuko ng baril ay mayroon guidelines na ginagamit para malaman kung magkano ang ibabayad sa isinukong baril na sasailalim sa evaluation ng AFP, PNP at DILG.

Kapag ang isang rebelde naman ay sumuko sa isang indibidwal, government agency o private organization ay mayroong ipagkakaloob ang DILG na dalawamput isang libong piso na re-integration assistance.

Nasa 2.5 million pesos na ang naipamahagi ng DILG Isabela sa mga rebel returnees sa Isabela.

Bahagi ng pahayag ni LGO Officer 3 Rhonalyn Maquinad.