--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit isang libong pamilya ang natulungan ng Sanguniang Kabataan Council ng Brgy Santa Catalina sa kanilang ikinasang “Project Pagkalinga” na layuning makapaghatid ng tulong sa mga residente na apektado ng malawakang pagbaha.

Sa pangunguna ni SK Chairman Melvin Adurable kasama ang mga miyembro ng kanilang konseho ay nagsagawa sila ng isang donation drive upang makalikom ng pondo sa pagbili ng ayuda para sa mga residenteng nabaha.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SK Chairman Adurable, sinabi niya na hindi inakala ng kanilang grupo na bubuhos ang tulong at suporta mula sa ibat Ibang mga grupo, organisasyon pati na ang mga pribadong indibidwal na sanhi upang maisakatuparan ang kanilang programa.

Aniya nagsimula ang kanilang pagbibigay ng tulong noong kasagsagan ng pagbaha sa lunsod at umabot sa limang bugso ang kanilang isinagawang relief distribution sa mga Brgy.

--Ads--

Ayon pa kay SK Chairman Adurable,mula sa maliit na halaga ay nagbunga ang kanilang pagpupursige na makatulong upang makapagbigay ng libo libong mga relief goods sa mga mamamayang apektado.

Inaasahang magsasagawa sila ng panibagong proyekto para sa darating na kapaskuhan upang madagdagan pa ang listahan ng kanilang matutulungang brgy.

Bahagi ng pahayag ni SK Chairman Melvin Adurable ng Brgy Santa Catalina, City of Ilagan.