--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumanggap ng Pamaskong Pangkabuhayan ang 700 na mga magsasaka sa Lunsod ng Ilagan bilang handog ng lokal na pamahalaan sa darating na kapaskuhan.

Nabigyan ng biik at dalawang sako nng feeds ang mga magsasaka ng Barangay Sta. Isabel Norte at Sta. Isabel Sur.

Paraan ito ng lokal na pamahalaan upang maibsan ang posibleng kakulangan sa tustos ng baboy sa Lunsod dahil sa nagpapatuloy na usapin ng African Swine Fever.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay General Services Officer Ricky Laggui sinabi niya na hindi tumitigil ang lokal na pamahalaan na humanap ng mga alternatibong pagkakakitaan para sa mga Ilagueño na apektado ng pandemiya.

--Ads--

Ayon pa kay Ginoong Laggui patuloy ang ginagawang pagsisikap ng lokal na pamahalaan para mabigyan ng nararapat na serbisyo ang mga mahihirap na mamamayan maging ng mga sektor na lubhang naapektuhan ng pandemiya ang pangkabuhayan sa ibat Ibang mga programa ng pamahalaan.

Tuloy tuloy din umano ang ginagawang mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan para sa unti-unting paglago muli ng ekonomiya ng Lunsod.

Ang bahagi ng pahayag ni General Services Officer Ricky Laggui.