--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 275 na miyembro ng Persons With Disabilities o PWD sa Lunsod ng Santiago ang napagkalooban ng pangkabuhayan package.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Binibining Noradel Tad-O, ang Focal Person ng Persons With Disability Office o PWDO Santiago City, sinabi niya na buwan ng Oktubre nang simulan nila ang programang pagtuturo ng pananahi sa mga miyembro at kaanak ng mga PWD’s.

Aniya sa ilalim ng programa ay tinuturuan ng kanilang mga skilled members ang mga PWD’s partikular ang pananahi ng basahan, Eco Bag, Facemask at maging Personal Protective Equipment o PPE.

Pinalawig din ng tanggapan ang kanilang mga tinuturuang sektor dahil kabilang na ang mga miyembro ng Rural Improvement Club o RIC at Senior Citizen Office sa kanilang tinuturuan.

--Ads--

Kalakip ng programang ay ang pamamahagi ng grupo ng nasa mahigit 100 Sewing Machine sa bawat tanggapan ng Barangay para sa mga naturuang PWD’s.

Ang bahagi ng pahayag ni Binibining Noradel Tad-O.