--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpaalala ang DTI Isabela sa mga Micro Small and Medium Enterprises o MSMEs na nagnanais na umutang o mag-loan sa Bayanihan Corporation’s Covid-19 Assistance to Restart Enterprises o CARES program ng DTI na ilalaan lamang ang ayuda sa mga negosyong nalugi dahil sa COVID 19 pandemic.

Sa naging panyam ng Bombo Radyo Cauayan kay DTI Isabela provincial Director Winston Singun, sinabi niya na mula ng tumama ang COVID 19 pandemic sa bansa ay maraming mga negosyo ang nalugi at naging huling hakbang nila ang pag-utang o pagkuha ng loan.

Aniya sa ilalim ng bayanihan CARES na pinondohan sa ilalim ng Bayanihan 2, matutulungan ang mga negosyante na makabangon at makapag-simula ng negosyo para muling kumita.

Paliwanag ni Ginoong Singun ang Cares program ng DTI sa ilalim ng Bayanihan 1 ay may limitadong pondo kaya maraming mga negosyanteng nagloan ang hindi naaprubahan.

--Ads--

Gayunman hinihikayat ng DTI Isabela ang mga hindi nakakuha ng loan na muling iproseso ang kanilang aplikasyon gayundin ang mga nais kumuha ng loan na apektado ng pandemiya na magtungo sa official webpage ng DTI para makapag-apply sa Bayanihan Cares.

Nilinaw naman ng DTI na ang mga MSMEs na may isang taon na sa Industriya ang maaari lamang makakuha o mag-apply sa Bayanihan Cares program ng DTI.

Kaugnay nito,pinayuhan ng DTI Isabela ang mga may-ari ng negosyo na kung kukuha ng loan o pautang mula sa mga programa ng pamahalaan o sa pribagong sektor na tiyaking akma sa kanilang pangangailangan sa muling pagtatayo ng negosyo ang halaga na kanilang uutangin.

Bahagi ng pahayag ni DTI Isabela Provincial Director Winston Singun.