CAUAYAN CITY – Patuloy ang ginagawang monitoring ng pulisya sa Hilagang Bahagi ng Isabela dahil sa patuloy na paglipana ng Illegal Logging sa ilang bahagi ng lalawigan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa mga otoridad, napag-alamang talamak parin sa ilang bayan at Lunsod sa lalawigan ang water at carabao logging upang maipuslit ang mga iligal na pinutol na kahoy mula sa kabundukan pababa sa kabayanan.
Matatandaan na batay sa mga ulat mula sa ibat Ibang mga himpilan ng pulisya sa Northern Isabela partikular na sa City if Ilagan police station umabot na sa libo libong mga board ft ng mga nilagaring kahoy ang nasabat mula sa mga Anti-Illegal Logging Operation.
Una na ding napaulat dito sa himpilan ng Bombo Radyo Cyn na kamakailan ay dinakip ng mga kasapi ng Tumauini Police Station at Criminal Investigation and Detection Group Isabela ang dalawang illegal loggers sa bayan ng Tumauini matapos na masabat mula sa kanilang sasakyan ang daan daang mga board ft ng ibat Ibang klase ng mga kahoy.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Rolando Gatan hepe ng Tumauini Police station sinabi niya na nagpapatuloy ang ginagawang paghihigpit sa pagbabantay kasama ang mga Ibang ahensiya ng pamahalaan sa mga forested areas sa bayan ng Tumauini na maaring pagmulan ng mga iligal na mga pinutol na kahoy.
Aniya na sa ngayon ay mayroon bahagi sa bayan ng Tumauini na binabantayan ng mga awtoridad upang masugpo ang paglaganap ng iligal na aktibidad.