--Ads--

CAUAYAN CITY – Kakasuhan na ang isang Ginang sa Barangay Batal matapos magbenta ng illegal na paputok partikular na ang piccolo na nagresulta sa pagkaaksidente ng isang anim na taong gulang na batang lalaki.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, kinilala ang Ginang sa pangalang Imee, limamput apat na taong gulang, may asawa, walang trabaho at residente ng nabanggit na Brgy.

Batay sa pagsisiyasat ng Presinto Uno, nasugatan ng pumutok Piccolo ang Anim na taong gulang na bata nang pagpasa-pasahan ng kaniyang nakatatandang kapatid at isa pang Menor de Edad ang nasindihang piccolo.

Nang huling mahawakan ng biktima ay malapitan umanong pumutok sa mukha nito ang piccolo na nagresulta sa pamamaga ng paligid ng kanyang kaliwang mata o conjunctival hematoma.

--Ads--

Dahil dito ay agad na itinakbo sa Southern Isabela Medical Center ang bata at agad namang nalapatan ng paunang lunas.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang presinto uno upang matunton ang posibleng salarin sa pagbebenta ng illegal na paputok at nalaman na ang nasabing Ginang ang nagbenta.

Mahaharap ngayon ang Ginang sa kasong paglabag sa RA 7183 o ang paglabag sa Firecracker and Pyrotechnic Devices Regulating Act.