CAUAYAN CITY – Nagkakaubusan na ng ibebentang karne ng baboy ang mga meat vendors sa pamilihang bayan ng San Mariano Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ginoong Johnny Anguluan, pangulo ng market vendor’s association,sinabi niya na na ngangamba silang magkaubusan ng tustos ng karne ng baboy sa mga lugar na kanilang pinag-aangkatan ng baboy.
Pinangangambahan na rin ang paglipat ng produktong ibinebenta ang ilang meat vendors na nahihirapan ng makakuha ng baboy na kakatayin.
Nagsimula ang kakulangan ng tustos ng karne ng baboy sa pamilihan nang sumapit ang bagong taon dahil halos lahat ng buhay na baboy ay nakatay.
Sa ngayon aniya nahihirapan na ang mga nag-aangkat ng baboy dahil karamihan sa mga hog raisers ay nasa mga barangay na lamang.
Pinangamngambahan na rin ang tuluyang pagkaubos ng makakatay na baboy sa bayan ng San Mariano dahil na rin sa dami ng mga meat vendors na nag hahanap at nag aangkat ngayon ng baboy.