
CAUAYAN CITY – Naitala ang 55 na bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa isabela ngayong January 6, 2021.
Dahil dito ay umabot na sa 317 ang aktibong kaso sa Isabela habang 15 ang mga bagong gumaling sa sakit.
Ang mga bagong COVID-19 positive ay naitala sa City of Ilagan na 21, sa Santiago City ay 13, sa Cauayan City ay 9, sa Tumauini ay 3, San Mariano 2, Gamu 2 habang tig-iisa sa Delfin Albano, Benito Soliven, Quezon, Quirino at Aurora.
Sa mga aktibong kaso ay isa ang Returning Overseas Filipino (ROF), 3 ang Non-Authorized Person Outside Residence (Non-APOR), 16 ang health worker, 28 ang pulis at 269 ang local transmission.
Patuloy ang paalala ng pamahalaang panlalawigan sa mga mamamayan na sumunod sa mga panuntunan at health protocol para maiwasan ang COVID-19.




