CAUAYAN CITY – Patay ang isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) matapos na magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa isang abandonadong cellsite tower sa barangay District 1, Benito Soliven, Isabela.
Ang nagpakamatay ay si Jerome Kerby Mapilisan, dating OFW na residente ng naturang barangay.
Ayon sa Benito Soliven Police Station, nagpaalam pa si Jerome at sinabi na mahal niya ang kanyang mga magulang at pamilya.
Ayon sa mga magulang ni Jerome, hindi nila inaasahang magagawa niya ang pagpapakamatay matapos na masangkot sa isang aksidente ilang buwan ang nakalipas.
Sa kanyang text message ay humingi siya ng tawad sa kanyang mga magulang at hiniling na alagaan nilang mabuti ang kanyang mga anak.
Sa kanyang mensahe ay sinabi niya na maalala siya ng kaniyang mga magulang tuwing makikita nila ang abandonadong cellsite tower.
Napag-alaman na ang misis ni Mapilisan ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Maaaring nakaranas umano ng depresyon si Jerome kaya nagawang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa abandonadong cellsite.






