CAUAYAN CITY – Plano ng Pamahalaang Lunsod na bumili ng Covid19 vaccine mula sa kompanya ng Pfizer BioNtech.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Genaro Manalo, City Health Officer, sinabi niya na maaring Pfizer BioNTech na aniya ang bilhin ng Pamahalaang Lunsod matapos itong bigyan ng matapos na mabigyan na ito ng emergency use authorization ng FDA.
Matatandaan na kamakailan lamang ng patawan ng Emergency Use Authorization o EUA ng Food and Drug Administration o FDA ang Pfizer BioNTech kasunod ng malalim na pag-aaral at pag-analisa sa mga datos ng pagiging epektibo nito na may 95 percent Efficacy Rate.
Ayon sa City Health Office, nakadepende pa rin ang lungsod sa bibigyan ng approval ng FDA at DOH.
Prayoridad sa mga babakunahan ang mga Frontliners partikular ang mga kapulisan, Government employees at Medical Frontliners.
Tiniyak naman ni Dr. Manalo na hindi bibili ang tanggapan ng bakunang walang kasiguraduhan ang efficacy.