--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinabulaanan ng City Planning and Development Office ang kumakalat na impormasyong papatagin na ang old public cemetery.

Ikinabahala ng mga mamamayan ang kumalat na impormasyong ipapa-bulldozer na umano ang nasabing sementeryo dahil malapit ito sa national highway at mga katabi pang malalaking establisimiento.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Planning and Development officer Oliver Francisco, sinabi niya na walang order na papatagin na ang nasabing sementeryo.

Aniya 2016 pa ng ipatupad ang ordinansa na nagbabawal nang maglibing dito dahil overcrowded na at nitong mga nakaraang buwan ay marami ang mga kumukha ng permit para ilipat ang mga buto ng kanilang mga namayapang kapamilya.

--Ads--

Aniya hindi totoo ang impormasyon dahil wala naman silang plano na patagin ang lugar para sa ibang proyekto.

Ang tanging plano lamang ng Pamahalaang Panlunsod ay ang pagsasaayos sa bakod ng sementeryo.

Maaari naman aniyang ilipat ng mga mamamayan ang labi ng kanilang pamilya dahil may paglilipatan naman sa San Francisco.

Kailangan lamang nilang kumuha ng exhumation permit sa sanidad at magbayad ng 500 pesos sakaling gusto nilang ilipat sa sementeryo sa San Francisco pero kung sa ibang sementeryo naman ay wala na silang babayaran pa.

Ang bahagi ng pahayag ni City Planning and Development Officer Oliver Francisco.