--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi madaanan ang limang tulay sa Isabela rehiyon dahil sa pagtaas ng antas ng tubig sa mga ilog bunsod ng mga nararanasang pag-ulan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Information Officer Francis Joseph Reyes ng Office of Civil Defense (OCD) region 2 na dahil sa panaka-nakang pag-ulan na nararanasan sa rehiyon ay tumaas ang level ng tubig sa Cagayan River kaya hindi na madaanan ang ilang tulay pangunahin na sa Isabela.

Kabilang dito ang Cabagan-Santa Maria overflow bridge, Kansan Bagutari-Sto. Tomas overflow bridge, Alicaocao overflow bridge sa Cauayan City, Baculod overflow bridge sa lunsod ng Ilagan at Gucab Bridge sa Echague, Isabela.

Ayon kay Ginoong Reyes, kapag hindi pa rin gumanda ang lagay ng panahon ay maaring magtaas sila ng blue alert status.

--Ads--

Ibig sabihin nito ay maghahanda ang 50% ng kanilang response assets habang nakaantabay ang iba.

Gayunman ay makikipag-ugnayan sila sa PAGASA kung ano ang magiging lagay ng panahon sa mga susunod na araw dahil iniiwasan ang pagkukumpulan dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa ikalawang rehiyon.

Kaugnay nito ay wala namang problema sa mga daan papasok at palabas sa region 2.

Ang pahayag ni Information Officer Francis Joseph Reyes ng OCD region 2