--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinailalim sa work suspension ang kapitolyo ng Mountain Province matapos makapagtala ng new variant ng covid 19 malapit sa lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Bonifacio Lacwasan Jr ng Mountain Province,sinabi niya na dahil sa pagkakatala ng labing isang kaso sa Brgy Sanofi sa bayan ng Bontoc ay isinailalim sa house lockdown ang mga apektadong mamamayan.

Malapit lamang ang nasabing Brgy sa Kapitolyo ng lalawigan kaya isinailalim sa work suspension ang tanggapan upang makaiwas sa pagkalat ng virus.

Ayon kay Gov. Lacwasan may mga empleyado na sa ilang opisina ng kapitolyo ang isinailalim sa swab test.

--Ads--

Tumitingin na rin ng karagdagan pang lugar na gagawing quarantine facility ang lokal na pamahalaan pati na ang paglalaan ng pondo para sa kanilang covid response.

May mga magtutungo na rin sa kanilang lugar mula sa DOH at sa pamahalaang pambansa upang tukuyin kung saan nanggaling ang nasabing new variant ng virus.

Bukas, araw ng lunes ay muling magpapatawag ang gobernador ng pulong upang pag usapan ang planong paghihigpit sa mga protocols na ipinapatupad sa lalawigan.

Nanawagan naman si Gov. Lacwasan sa mga mamamayan ng Mountain Province na manatiling mapagmatyag at mag ingat upang hindi na kumalat pa ang bagong variant ng Covid 19 sa kanilang lugar.

Ang bahagi ng pahayag ni Gov. Bonifacio Lacwasan ng Mountain Province.