--Ads--

CAUAYAN CITY- Umakyat na sa halos 4,000 ang kabuoang recoveries o gumaling mula sa COVId 19 sa Isabela.

Batay sa inilabas na talaan ng Provincial Information Office, naitala ngayong araw ang 67 na gumaling sa lalawigan ngayong araw kaya umakyat na sa 3,534 ang kabuoan sa Isabela.

Naitala naman ngayong araw ang 19 na bagong aktibong kaso sa virus.

Sa kabuuan ay nasa 423 na ang kabuoang bilang ng mga tinamaan ng virus sa lalawigan.

--Ads--

Nanguna ngayong araw ang bayan ng Cordon na may 6 na kaso, sinundan ng Cauayan City at mga bayan ng Luna, Reina Mercedes, San Mariano, at Naguilian na may tig-dadalawang kaso habang nakapagtala ng tig-iisang kaso ang Ilagan City, Aurora,at Gamu.

Isa ang returning Overseas Filipino, anim ang non-APOR, 32 ang health worker, 29 ang pulis at 355 ang mula sa local transmission.

Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 virus ay patuloy ang paalala sa publiko na maging maingat at sumunod sa mga minimum health protocol para manatiling ligtas sa virus.