--Ads--

CAUAYAN CITY Iniuwi na ng kanyang mga kamag-anak sa Maddela, Quirino ang bangkay ng isang lider ng New People’s Army (NPA) na napatay matapos makipagpalitan ng putok sa mga sundalo at pulis sa Palacian, San Agusin, Isabela.

Ang napatay na si Renato Busania alyas Andong ay itinuturing na ikaanim na pinakamataas na opisyal sa Kilusang Rehiyon- Cagayan Valley (KR-CV) ng CPP-NPA.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Prospero Agonoy,  hepe ng San Agustin Police Station, sinabi niya na nagtungo sa kanilang himpilan ang kapatid ni Busania at ila nilang kamag-anak para kunin ang bangkay ng NPA lider.

Ang alam umano ng mga kamag-anak ni Busania ay matagal na siyang napatay sa nagdaang pakikipagsagupa sa militar.

--Ads--

Ayon kay PMaj Agonoy, nagpaputok si Busania nang makita ang mga parating na sundalo at pulis.

Agad namang nakabunot ng baril ang isang sundalo at ginantihan ng putok si Busania na nagtamo ng tatlong tama ng baril sa dibdib na naging sanhi ng kaniyang kamatayan.

Aniya, dahil sa layo ng barangay Palacian, San Agustin, Isabela ay madalas umanong dumaan sa lugar si Busania at nagpalipas ng gabi sa tinuluyang bahay.

Isisilbi sana ng pinagsanib na puwersa ng 86th Infantry Battalion Philippine Army, 205th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2 at San Agustin Police station ang tatlong mandamiento de aresto na ipinalabas ng korte laban kay Busania sa kasong double murder dahil sa pagpatay kina Joseph Daulayan ng Barangay Tucod at Dominador Binnang ng Dibibi, Cabarroguis Quirino noong Hulyo  2000.

Dalawampung taon umanong nanungkulan si Busania  bilang  staff member, head ng training division ng Regional Operations Command at KR-CV ng CPP-NPA.

Iginiit ni PMaj Agonoy na kung sumuko nang maayos si Busania at hindi nanlaban sa mga otoridad ay hindi siya napatay.

Ang pahayag ni PMa Prospero Agonoy