--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng tree planting activity ang CENRO Cauayan City sa gilid ng Cagayan River upang masolusyunan ang pagbaha.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay CENRO Diosdado Contillo ng CENRO Cauayan City, sinabi niya na bagong aktibidad ng kanilang tanggapan ang rehabilitasyon ng pampang ng mga ilog kabilang na rito ang Cagayan River.

Ayon kay CENRO Contillo, Bamboo o buho at kawayan ang kanilang planong itanim kabilang na ang iba pang native species na punongkahoy.

Patuloy umano ang pagtukoy ng bawat tanggapan ng DENR sa mga lugar sa ilog Cagayan at tributaries nito na kailangang ma-rehabilitate.

--Ads--

Katuwang ng DENR sa rehabilitasyon ng Cagayan River ang DPWH, lahat ng Local Government Units o LGUs at iba pang pribadong grupo at komunidad.

Aniya disyembre nang simulan ang pagtatanim sa mga tributaries at maipagpapatuloy ito ngayong taon upang masolusyunan na ang nagaganap na pagbaha tuwing rainy season.

Sa susunod na linggo ang scheduled na pagsasagawa nila ng tree planting sa area of responsibility ng CENRO Cauayan City na nasa dalawang kilometro sa kahabaan ng Ilog Cagayan.

Ayon kay CENRO Contillo hindi maiiwasan na may mga mamamayan na nagtatanim sa lampas na ng mga easement ng ilog na kailangang marehabilitate kaya titingin ang pamahalaan ng ibang paraan upang sila ay mailipat o mabigyan ng ibang pangkabuhayan.

Ang bahagi ng pahayag ni CENRO Diosdado Contillo ng CENRO Cauayan City.