CAUAYAN CITY – Puntirya ng Land Tranportation Office o LTO Region 2 na mailunsad ang motor vehicle inspection scheme sa ilang lugar sa Rehiyon ngayong taon.
Ang motor vehicle inspection scheme ay isang pamamaraan upang masuri ang road worthiness ng mga sasakyan na bumabagtas sa mga lansangan.
Nasa 72 points ang susuriin ng inspection machine sa mga sasakyan bago ito payagang magrenew.
Sa kasalukuyan ay hindi pa ito ipinapatupad sa Rehiyon Dos kahit may mga machine operated nang pangsuri ang lunsod ng Santiago dahil na rin sa ilang tumututol.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Manny Baricaua ang Administrative Officer ng LTO Region 2, sinabi niya na kasalukuyan pa ang pagpapatayo ng pasilidad sa lunsod ng Tuguegarao at ang nasa lunsod naman ng Santiago ay noong nakaraaang taon pa sana umano ito nagsimula.
Naantala lang ito dahil sa nararanasang pandemya at pagtigil ng kanilang mga proyekto.
Inaasahang sa unang buwan ng 2nd quarter o sa 2nd semester na ang paglulunsad ng motor vehicle inspection scheme ng LTO Region 2.
Aniya magkakaron pa ng training ang mga tenchnical personnel.
Buwan ng Nobyembre pa umano nagsimulang magsagawa ng Public Consultation ang LTO Region 2 sa lunsod ng Santiago at isa sa naging hiling ng mga mamamayan ay babaan ang inspection fee.
Pinag aaralan pa ng LTO Region 2 ang nasabing kahilingan dahil ayon naman sa kompanyang magsasagawa ng inspeksyon ay malulugi naman sila kung babaan pa ang bayad.
Isa sa balak na gawing saklaw ng pagbaba ng inspection fee ng LTO Region 2 ay ang mga PUVs na lamang at umaasa silang ito ay pagbigyan ng may ari ng inspection machines.