--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ang isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pagsisilbi ng mga pulis ng mandamiento de aresto sa Nilumisu, Echague, Isabela.

Ang akusado ay si Francis Castil, alyas Pedro, 28 anyos, magsasaka, nasa watchlist personality ng Philippine National Police (PNP) at residente ng barangay Nilumisu.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj. Michael Esteban, hepe ng Echague Police Station na isinilbi ang mandamiento de aresto laban sa akusado ng pinagsanib na puwersa ng mga kasapi ng Echague Police Station sa pangunguna ni PLt Windel Oliver, Provincial Intelligence Unit, Isabela Police Provincial Office (IPPO-PIU CTG) Tracker Team, 3rd Platoon 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company ng IPPO, 86th Infantry Battalion, Philippine Army at Intelligence Operatives ng Special Action Force (SAF).

Ipinalabas ni Judge Reymundo Aumentado ng Regional Trial Court Branch 29, Cauayan City ang mandamiento de aresto laban kay Castil sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa.

--Ads--

Ayon kay PMaj Esteban, ang pagkaaresto ng akusado ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng PNP at sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan.

Kahapon ay may nakuha silang impormasyon na nasa lugar si Castil kaya agad nilang isinilbi ang kanyang mandamiento de aresto.

Hindi siya nanlaban dahil nakita niya na wala na siyang kawala sa mga pulis.

Ayon pa kay PMaj. Esteban, dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang akusado at inaalam pa nila kung ano pa ang kanyang mga kinasangkutan sa loob ng grupo.

Dinala sa Echague Police Station si Castil para sa booking at dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Ang pahayag ni PMaj Michael Esteban