CAUAYAN CITY – Magsasagawa ang mga district jail sa Lambak ng Cagayan ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Valentines Day.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Romeo Villante, ang Regional Chief of Staff ng BJMP Region 2, sinabi niya na may mga pakulo ang bawat warden sa Region 2 para maibsan ang pagkabagot ng mga PDLs kabilang na rito ang ilang personnel.
Matatandaang dalawamput isang araw na magduduty ang mga personnel ng piitan bago sila makakalabas upang maiwasan ang pagpasok ng virus.
Ang mga aktibidad na isasagawa ay paglalagay ng photobooth sa Santiago City District Jail pati na ang pagbebenta ng bulaklak at pababahagi ng mga mensahe ng mga PDL sa kanilang mahal sa buhay sa pamamagitan ng Himig ng Pag-asa Facebook Page.
Magsasagawa naman ng movie marathon at parlour games ang San Mateo Municipal jail pati naang pagpapadala ng mensahe sa kanilang pamilya.
Isasagawa naman ng Cauayan City District Jail ang Haranahan, photobooth, freedom wall, palaro at poem and love notes writing contest.
Imamaximize naman ang E-DALAW sa Roxas Municipal Jail at magkakaron din ng harana para sa mga PDLs.
Magtatayo naman ng wedding booth ang Solano municipal Jail.
Sa Ballesteros Cagayan ay magkakaroon ng cinema therapy habang sa Gattaran ay magkakaroon ng Search for Cupid Talent at Heart hunting activity at parlour games naman ang isasagawa sa Tuguegarao City District Jail.
Ayon kay Atty. Villante kakaiba ang pagdiriwang ng araw ng mga puso ngayon dahil sa patuloy pa ring nararanasang pandemya na dulot ng Covid 19.