--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy ang monitoring ng City Agriculture Office sa mga pananim na palay ng mga kalahok bilang host ng Hybrid Rice Derby ng National Rice Technology Forum 2021.

Kalahok dito ang 11 hybrid fertilizer at chemical company na kinabibilangan ng tatlong irrigated association sa barangay Minante 1, Minante 2 at Nungnungan 1, Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engineer Ricardo Alonzo, sinabi niya na napili ang Cauayan City Agriculture Office para maging host ng Hybrid Rice Derby ng National Rice Board para mabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka sa lunsod na pumili ng magandang variety ng palay upang mapataas ang kanilang kita.

Nasa 100 na ektarya ng palayan ang kailangan para sa naturang aktibidad.

--Ads--

Aniya, isang linggo bago ang itinakdang harvest day ay magkakaroon ng Grand Field Day upang bigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na malapit sa lokasyon na bisitahin ang mga itinanim na palay.

Ang pahayag ni Engr. Ricardo Alonzo.