--Ads--

CAUAYAN CITY – Iginiit ng DENR Region 2 na hindi pagmimina ang prayoridad sa isasagawang dredging sa Cagayan River.

Sa naging pagpapahayag ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng DENR Region 2 sa isinagawang Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran o UP UP Isabela sa Tactical Operations Group o TOG 2, sinabi niya na sa pagsama ng mga pribadong kompanya sa dredging ay walang babayaran ang pamahalaan kundi ang mga operators ng dredging pa ang magbabayad sa pamahalaan ng kanilang buwis para sa mga mineral na makukuha sa ilog maliban pa sa mga dredged materials na tatanggalin.

Dalawang operasyon ang isasagawa sa dredging at una rito ang pamumunuan ng DENR at DPWH sa pamamagitan ng Build Build Build Back Better Task Force.

Pinakaprayoridad nilang tanggalin ang tatlong sandbars sa kahabaan ng Cagayan River pangunahin na sa Magapit, Casicalan Norte at Dumon.

--Ads--

Kabilang din sa magsasagawa ng sariling operasyon ang mga pribadong sektor kabilang na ang Watershed Management na magsasagawa ng tree planting sa gilid ng ilog Cagayan.

Ayon kay Regional Execitive Director Bambalan, sayang kung may makukuhang mineral sa ilog ay pababayaan lamang ng pamahalaan.

Aniya hindi ito intensyon ng blacksand mining dahil kailangan namang tanggalin ang mga nakabara sa daraanan ng tubig.

Pagkakakitaan na ito ng pamahalaan ay magdudulot pa ng maganda sa sitwasyon ng rehiyon tuwing may  malawakang pagbaha.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng DENR Region 2