--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang malawakang blood sampling sa mga baboy sa ikalawang bahagi ng taong 2021.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Angelo Naui, Provincial Veterenary Officer ng Isabela na kapag natapos na ang tatlong buwan na wala ng maitatalang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ay magsasagawa na sila ng testing katuwang ang Department of Agriculture (DA).

Maglalagay sila ng test pigs sa mga lugar na nakapagtala ng ASF at oobserbahan ng isang buwan.

--Ads--

Kung hindi magkakasakit ang baboy sa loob ng isang buwan ay susuriin ang dugo nito at kung wala ng makita na epekto ng ASF ay puwede na nilang payagan na mag-alaga muli ng baboy sa naturang kulungan ng baboy.

Aniya, may usapan na sila ng DA para sa gagawing blood sampling pagkatapos ng buwan ng Marso at hinihintay na lamang ang pondo.

Naitala ang pinakahuling kaso ng ASF sa Isabela noong ikatatlumpo ng Disyembre 202.

Ang pahayag ni Dr. Angelo Naui.

Samantala, muling nakiusap si Dr. Naui sa mga hog raisers na naghihintay para sa indemnification ng kanilang mga alagang baboy na isinailalim sa culling noong nakaraang taon.

Ayon sa kanya, pagkatapos ng pagsasagawa nila ng culling noon ay agad nilang isinumite sa DA ang mga papel at ayon sa kanila ay naibigay na sa kanilang central office at pinoproseso na para sa indemnification.

Aniya, dito sa Isabela ay umabot sa 33,000 heads ng baboy ang nai-cull at ang indemnification ng bawat isa ay 5,000 pesos.

Sa ngayon ay wala pang sinasabi kung kailan darating ang tulong kaya nanawagan siya sa mga naapektuhan ng culling na hintayin lamang dahil nangako naman ang kalihim ng DA na magbibigay sila ng tulong.

Amh pahayag ni Dr. Angelo Naui.