CAUAYAN CITY – Tiniyak ng pamunuan ng Camp Rosauro D. Toda Jr. sa City of Ilagan na patuloy ang mahigpit na monitoring ng mga pulis para mahadlangan ang pagpasok ng mga iligal na droga sa Isabela.
Matatandaang nasamsam kahapon sa isinagawang anti-illegal drug buybust operation sa Barucboc, Quezon, Isabela ang 41 na bricks ng Marijuana na nagkakahalaga ng halos 4.9 million pesos at dalawang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga naman ng 34,000 pesos sa pag-iingat ng dalawang suspek na lulan ng isang van.
Sinabi ni Provincial Director PCol. James Cipriano na hindi maaapektuhan ang drug clearing status ng lalawigan dahil mula naman sa lalawigan ng Kalinga ang mga nasamsam na droga.
Patuloy ang monitoring at paghihigpit sa mga checkpoint ng mga himpilan ng pulisya sa Isabela upang mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando alinsunod sa patuloy na kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.











