--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinututukan ng Department of Health (DOH) region 2 ang nararanasang depresyon ng mga COVID-19 patient.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Dircetor Rio Magpantay ng DOH Region 2, sinabi niya na dalawa na ang naitala sa rehiyon na nagpakamatay dahil sa COVID-19.

Gayunman ay hindi lamang pagpapakamatay ang kanilang tinututukan kundi maging ang depresyon dahil maaari itong magdulot ng hindi mas magandang sakit lalo na sa kalusugan at kaisipan.

Dumadagdag din ang anxiety kaya gumawa na sila ng programa na tinawag nilang ‘gabay’ para imonitor ang mga nagpopositibo sa virus.

--Ads--

Inamin niya na nakikitaan ng depresyon ang mga nasa isolation unit kaya nagtalaga na sila ng mga mag-aasikaso na dumaan sa pagsasanay tungkol dito.

Batay sa pakikipag-usap nila sa mga pasyente, pangunahin sa mga dahilan kung bakit sila nakakaramdam ng depresyon ay dahil ito ang unang pagkakataon na hindi nila makasama ang kanilang pamilya at ang pag-iisip sa mga namatay dahil sa naturang sakit.

Bukod naman sa mga pasyente ay tinututukan din ng DOH ang mga health care workers dahil nakakaranas din sila ng depresyon.

Ang pahayag ni Regional Director Rio Magpantay.