
CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng virtual exhibit ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office bilang pakikiisa sa paggunita sa ika-35 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Tourism Officer Troy Alexander Miano, local historian a na maliban sa pagtalima sa Executive Order No. 47 na ipinalabas noong 2017 na nag-uutos na gunitain ang ika-25 ng Pebrero dahil makasaysayan ang EDSA People Power.
Sa Provincial Museum and Library ay may exhibit dahil ito lamang ang pinakamagandang paraan para gunitain ito ngayong panahon ng pandemya.
Gumawa sila ng video para sa virtual exhibit at para sa mga hindi makapunta sa Isabela Museum and Library.










