--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagsagawa ng People Power Treevolution o pagtatanim ng mga kawayan sa mga gilid ng ilog sa Purok 6 Barangay General Malvar, Santiago City

Matatandaan na isa ang Barangay General Malvar, Santiago City ang labis na nasalanta sa pananalasa ng bagyong Ulysses na nagsanhi ng Malawakang pagbaha.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Manuel Sonny Santiago ng Barangay General Malvar, sinabi niya na dinaluhan ito ng ilang opisyal at kawani ng pamahalaang lunsod, Diocese of Ilagan sa ilalim ni Bishop David William Antonio; Saint James the Apostle Parish, City Environment and Natural Resources Office, Philippine National Police Santiago City, ilang tanggapan ng Barangay at iba’t ibang Non-government organization (NGOs).

Tugon ito sa panawagan ni Bishop Antonio na magtanim ng 500 puno at kawayan sa bawat barangay na isinabay na rin sa layunin ng LGU na palaguin at paramihin ang mga kawayan sa tabi ng ilog para mapigilan ang pagbaha.

--Ads--

Sa mga susunod na taon ay nakatakda pang dagdagan ang mga nasabing pananim na puno para maabot ang layunin ng tanggapan na masakop ng kawayan ang buong ilog Malvar at mapigilan ang mga maaring pagbaha.

Ikinagalak nito ang suporta ng publiko sa paanyaya nila para masugpo ang Climate Change.

Ipinagpasalamat naman ng Simbahang Katolika ang suporta ng lokal na pamahalaan sa kanilng isinusulong na pagprotekta sa kalikasan.

Tiniyak ng Punong Barangay na mapapangalagaan ang mga itinanim na bamboo propagules ng iba’t ibang grupo na siya ring mangangalaga at titingin sa paglaki ng mga kawayan kaya naglagay na rin sila ng tree guard.

Kaugnay nito ay inalala rin ang ilang kaganapan sa People Power Revolution na nakaukit na sa kasaysayan.

Ang bahagi ng pahayag ni Punong Barangay Manuel Sonny Santiago