--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ang ikadalawamput isang nasawi dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Cauayan City.

Sa inilabas na abiso ng Cauayan City Covid-19 Task Force, ang nasawi ay si CV8197, 82 anyos na lalaki at residente ng Barangay District 1, Cauayan City.

Unang nakaranas ng sintomas ang pasyente gaya ng panghihina at pagkawala ng gana sa pagkain.

Kinuhanan siya ng sample noong ika-15 ng Pebrero 2021 at nagpositibo sa COVID-19.

--Ads--

Binawian ng buhay ang pasyente noong ika-25 ng Pebrero dahil sa septicemia secondary to severe pneumonia, COVID-19, hypertension II at diabetes mellitus II.

Patuloy ang monitoring ng City Health Office (CHO) sa mga kapamilya ng nasawing pasyente.

Pito sa mga kaso ng COVID-19 sa Cauayan City ang tuluyan nang gumaling at 43 naman ang aktibong kaso.

Patuloy ang paalala ng pamahalaang lunsod ng Cauayan sa mga mamamayan na doblehin ang pag-iingat at ugaliing sumunod sa mga health protocols para maiwasan ang virus.

Samantala, ikinabahala ng pamahalaang lunsod ang unti-unting pagdami ng mga nasasawi sa lunsod na may kaugnayan sa COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Mayor Bernard Dy na patunay lamang nito na mapanganib pa rin ang naturang virus.

Aniya, ang tatlong huling nasawi sa lunsod ay pawang senior citizen kaya kailangan talagang sumunod sa mga panuntunan.

Ang pahayag ni Mayor Bernard Dy.