CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang lalaki sa banggaan ng motorsiklo at Sport Utility Vehicle (SUV) sa national highway na bahagi ng Malalam City of Ilagan
Ang biktima ay si Justine Fortin, residente ng San Felipe, City of Ilagan habang ang tsuper ng SUV ay si Mark Anthony Donato, 34 anyos, may asawa at residente ng Allacapan, Cagayan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, lumalabas sa pagsisiyasat ng City of Ilagan Police Station na binabagtas ng SUV ang national highway patungong timog habang sa kasalungat na direksyon ang motorsiklo.
Umagaw ng linya si Fortin na sanhi ng banggaan ng dalawang sasakyan.
Tumilapon ang tsuper ng motorsiklo na naisugod pa sa ospital ng mga tumugon kasapi ng Rescue 1124 ngunit idineklarang dead on arrival.
Dinala na sa himpilan ng pulisya sa lunsod ng Ilagan si Donato para sa kaukulang disposisyon.






