--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang tatlong lalaki na kabilang sa  PNP-PDEA High Vallue Target at DI List matapos na masamsaman ng iligal na droga sa barangay  Tagaran, Cauayan City.

Ang mga nadakip ay sina Mariano Ramos, 46 anyos, welder; Hernie Pauza, 31 anyos at tsuper at si Ariel Andrada, 40 anyos, tsuper at  pawang residente ng nabanggit na barangay. 

Sa isinagawang operasyon ng  pinagsanib na puwersa ng Cauayan City Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Provincial Intelligence Unit ng IPPO at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) Isabela Provincial Field Unit at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ay nasamsam sa pag-iingat ni Andrada ang isang brown paper bag na naglalaman ng  tatlong plastic sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, isang bag, 400 pesos, dalawang cellphone at mga drug paraphernalia.

Nakuha naman sa pag-iingat ni Ramos ang pera na halos 900 pesos, isang cellphone, apat na bala ng Caliber 9mm  at isang kulay itim na bag.

--Ads--

Nakuha naman  kay Hernie Pausa ang dalawang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang body bag at isang trike.

Ang dalawang transparent sachet na naglalaman ng Marijuana ay nakuha sa pag-iingat nina Pausa at Ramos.