CAUAYAN CITY – Palalakasin pa ng Quezon Police Station sa Quezon, Isabela ang monitoring sa kanilang nasasakupan matapos ang sunud-sunod na malalaking operasyon na nagbunga ng pagkasamsam ng malaking halaga ng iligal na droga.
Matatandaang nakumpiska ang mahigit 100 bricks ng Marijuana sa Abut, Quezon, Isabela noong gabi ng Sabado sa pag-iingat ng dalawang PNP/PDEA high value target na nagkakahalaga ng 16 million pesos.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Roberto Valiente, hepe ng Quezon Police Station, sinabi niya na nagbigay na ng karagdagang puwersa ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) pangunahin na ang mga canine sniffing dog sa quarantine control checkpoint ng nasabing bayan upang matiyak na lahat ng mga pumapasok na sasakyan ay walang kargang kontrabando.
Aniya, papalakasin pa ng Quezon Police Station ang kanilang intelligence monitoring upang masawata ang paglaganap ng iligal na droga sa Isabela.





