--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang operasyon ng mga bahay kalakal sa paligid ng God’s Will Medical Hospital sa Roxas Street, District 2, Cauayan City na sinailalim sa dalawang linggong calibrated lockdown  matapos makapagtala ng COVID-19 positive.

Sa Executive Order 34-2021 ng pamahalaang lunsod ng Cauayan ay nagkabisa  ang calibrated lockdown dakong 1:00pm kahapon, March 8, 2021 at magtatagal hangang 1:00pm sa March 22, 2021 upang biyang daan ang  contact tracing at  at disinfection sa ospital.

Patuloy ang monitoring ng City Health Office (CHO) sa nasabing pagamutan hanggang matapos ang calibrated lockdown.

Hindi maaaring magpalabas o tumanggap ng pasyente ang nasabing ospital hanggang matapos ang 14-days calibrated lockdown.

--Ads--