--Ads--

CAUAYAN CITY – Puntirya ng Department of Health (DOH) region 2 na maturukan ng COVID-19 vaccine ng Sinovac ang nasa 15,000 na healthcare workers sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Faith Alberto, Assistant Regional Director ng DOH region 2, sinabi niya na sa pagdating ng 600,00 na Sinovac vaccine mula sa China ay 10,600 ang alokasyon sa region 2 at inuunang bakunahan ang mga doktor at nurses na direct contact ng mga COVID-19 patients.

Sa 95 na health facilities sa rehiyon ay nasa 15,000 healthcare worker ang dapat mabigyan ng bakuna.

Hinimok ni Dr. Alberto ang publiko na kapag mayroon nang sapat na bakuna ay samantalahin ang pagkakataon para maging ligtas sa virus.

--Ads--
Ang pahayag ni Dr. Faith Aquino