--Ads--

CAUAYAN CITY Pinaghandaan ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya ang pagbabalik ng operasyon ng mga provincial buses sa lalawigan kasunod ng bahagyang pagluwag sa mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Pinahintulutan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) ang operasyon ng isang provincial bus.

Unang ini-anunsyo ng Victory Liner Incorporated na bukas, ika-11 ng Marso ay magkakaroon na sila ng rutang Cubao-Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya, sinabi niya na hihigpitan pa rin ang mga nakalatag na checkpoint para matiyak na sumusunod ang mga mamamayan sa mga minimum health protocol ang mga motorista.

--Ads--

Hinikayat ni Gov. Padilla ang publiko na patuloy na tumugon sa mga health protocol at huwag maging kampante dahil nasa paligid pa rin ang virus.

Ang pahayag ni Gov. Carlos Padilla