--Ads--

CAUAYAN CITY Lalong naging pursigido ang hanay ng pulisya sa Isabela na paigtingin ang kampanya kontra iligal na droga matapos ang sunud-sunod na pagkasamsam ng maraming bricks ng Marijuana mula sa lalawigan ng Kalinga.

Kahapon ay nadakip ng mga kasapi ng Quezon Police Station kasama ang mga miyembro ng PDEA sa Arellano, Quezon, Isabela ang tatlong drug suspect na lulan ng kanilang get away vehicle matapos na makatakas sa drug buy-bust operation sa Tabuk City, Kalinga kung saan unang naaresto ang apat nilang kasama.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Roberto Valiente, hepe ng Quezon Police Station, sinabi niya na mula sa National Capital Region (NCR) ang tatlong naaresto at nagtungo sila sa Kalinga upang kumuha ng Marijuana.

Nagsasagawa nila ng malalimang imbestigasyon kung konektado ang mga pinaghihinalaan sa mga nauna nang nadakip na drug suspek sa kanilang nasasakupan.

--Ads--

Inamin ni PMaj Valiente na nagbigay ng high morale sa kanilang hanay ang magkakasunod na matagumpay na operasyon kaya patuloy ang pagpapalakas nila sa kanilang intelligence monitoring para malaman ang ipapasok na kontrabando sa lalawigan.

Nanawagan siya sa mga mamamayan ng Quezon na makipagtulungan sa pulisya upang madakip ang mga nagbebenta at nagbibiyahe ng mga iligal na droga sa kanilang lugar.

Ang pahayag ni PMaj Roberto Valiente