--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 7 million na manggagawang Pilipino ang nabigyan ng tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa gitna ng pandemya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang 7 milyong manggagawa na nabigyan na ng tulong ng ahensya ay kinabibilangan ng mga informal, formal at overseas Filipino workers.

Halos 3 milyon dito ang informal workers habang mahigit 2 milyon naman ang formal workers.

Sa ngayon ay aabot pa sa isang milyon ang puntirya ng DOLE na mabigyan ng ayuda.

--Ads--
Ang bahagi ng pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III