--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpositibo sa COVID-19 ang isang lalaking sanggol sa Santiago City na walong araw pa lamang mula nang  ipanganak.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa pamahalaang lunsod, ang sanggol na asymptomatic ay mula sa Barangay Victory Norte at hindi pa malaman paano nakuha ang virus.

Ang sanggol ay kabilang sa 22 na bagong kaso na naitala sa Santiago City.

Sa mga bagong kaso ay lima ang mula sa Victory Norte, apat sa Rizal, tatlo sa Plaridel, tig-dadalawa sa Dubinan West at Rosario habang ang iba ay sa Batal, Centro West, Sinsayon, San Andres at Calaocan.

--Ads--

Pinakamatanda sa kanila ang 74 anyos na lola mula sa Barangay Victory Norte na may chonic kidney disease at nakakaranas ng sintomas subalit hindi pa malaman paano siya nahawa.

Pinaigting pa ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang pagsasagawa ng contact tracing at swab testing sa mga maaaring nakasalamuha ng mga bagong kaso.

Sa ngayon ay pumalo na sa mahigit 1,100 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Santiago City.