--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit 4,000 na ektarya ng mga tanim na mais sa ikalawang rehiyon ang napinsala sa pag-atake ng mga peste.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Senior Science Research Specialist Minda Flor Aquino ng Department of Agriculture (DA) Regional Crop Pest Management Center na dalawang peste ang umaatake ngayon sa mga pananim na mais ng mga magsasaka na kinabibilangan ng mga fall armyworm  at corn  planthopper.

Sinabi ni  Aquino na ang fall armyworm  at corn planthopper ay nakaapekto na sa 4,041 hectares  ng tanim na mais sa rehiyon dos.

Pinakamarami aniyang  naapektuhang ng mais ay mula  sa Isabela na may 3,387 hectares at sumunod ang Cagayan na mayroong 441 hectares habang sa Nueva Vizcaya ay 175 hectares at Quirino na may 37 hectares.

--Ads--

Sinabi pa ni Aquino na kapag napabayaan ang mga pesteng umaatake  sa mga maisan ay maaaring magkaroon ng pinsala na 50-80% ng mga pananim.

Pinayuhan niya ang mga magsasaka  na obserbahang mabuti ang kanilang mga pananim at kung mapansin ay mag-ulat sa tanggapan ng DA sa kanilang mga lugar.

Ang fall armyworm ay  nagmula sa tropical Amerika  hanggang sa nakarating sa  Africa at dumating noong June 2019  sa Pilipinas at unang umatake  sa Piat, Cagayan hanggang kumalat sa mga bayan Gonzaga, Santa Ana at Alcala.

Mula Cagayan ay nakarating ito sa Isabela,  Nueva Vizcaya at Quirino.

Ang mga corn planthopper ang sumisipsip sa dagta ng mga tanim na mais at makikita rin ang mga puting kulay sa likod ng dahon ng mga mais na siyang itlog ng peste.

Kapag sobra na ang pag-atake ng corn planthopper ay mangingitim ang mga dahon ng mga tanim na mais.

Ang pahayag ni Senior Science Research Specialist Minda Flor Aquino.