CAUAYAN CITY – Idineklara ng pamahalaang lunsod na na special non-working day sa ikatatlumpu ng Marso para sa pagdiriwang ng ikadalawampung anibersaryo ng pagiging lunsod ng Cauayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Bernard Dy, sinabi niya magsisimula ngayong araw ang Zumba sa City Sports Complex na dadaluhan ng mga kababaihan.
sa araw ng pagdirieang sa darating na martes ay isasagawa ang motorcade mula sports complex hanggang City Hall at tiniyak ng punong lunsod na masusunod ang mga minimum health standards at magkakaroon ng misa ng alas siyete ng umaga.
Susundan ito ng ibat ibang inagurasyon ng mga proyekto sa lunsod.
Magkakaroon din ng virtual orrientation o webinar para sa mga mamamayan kung ano ba ang ibig sabihin ng smart and sustainable cities.
Ayon kay Mayor Dy, pinaka-highlight ito sa selebrasyon dahil nakatuon ang lunsod sa pagiging smart and sustainable city.
Pagkatapos ng pananghalian ay ang paglulunsad ng SDG o Sustainable Development Goals Challenge na mga samut saring aktibidad para sa mga barangay.
Sa hapon ay ang pagpaparangal sa sampung notable citizens sa ibat ibang sektor sa lunsod habang pagdating gabi ay ang star awards na karaniwang ibinibigay sa mga empleyado ngunit ngayon ay nakatuon naman sa mga frontliners na malaki ang naitulong ngayong pandemya.
Ayon kay Mayor Dy, kick off na ito ng Gawa-Gawayyan Festival na hindi naisagawa noong nakaraang taon dahil sa lockdown at ngayon ay nasa limang events lamang ang kanilang inihanda na isasagawa sa virtual o online.
Nilinaw ng punong lunsod ang kumakalat na balitang ipapatupad ang ang lockdown sa Lunsod ng Cauayan dahil tcalibrated lockdown ang ipinapatupad ng pamahalaang lunsod sa mga lugar na may kaso ng COVID-19.