--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit 70% na ng mga health workers sa Isabela ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Arlene Lazaro, Assistant Provincial Health Officer ng Isabela at vaccine czar na 71% na ng mga frontline health workers sa Isabela ang nabakunahan at patuloy pa rin ang pagbabakuna sa bawat bayan.

Ayon kay Dr. Lazaro, ang mga health workers na nagkaroon ng COVID-19 ang hindi pa nabakunahan dahil kailangan pang hintayin na matapos ang 90 na araw habang sa kanilang mga direct contacts ay dalawang linggo ang kailangang hintayin bago sila bakunahan.

Ayon kay Dr. Lazaro, sinimulan na rin ang pagbakuna sa mga senior citizen na health workers gamit ang AztraZeneca.

--Ads--

Tiniyak niya na sapat pa rin ang suplay ng bakuna dahil anumang araw ay may bagong darating.

Kabilang sa mga adverse effect na naramdaman ng mga nabakunahan ay lagnat, sakit ng ulo at katawan at pananakit sa bahagi ng katawan na naturukan ngunit mangilan-ngilan lamang.

Ang pahayag ni Dr. Arlene Lazaro