--Ads--

CAUAYAN CITY Isinailalim sa 10 na araw na General Community Quarantine (GCQ) ang Solano, Nueva Vizcaya simula ngayong March 25, 2021 hanggang April 4, 2021 para mahadlangan ang patuloy na pagtaas ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Sa bisa ng Executive Order (E0) #013 Series of 2021 ay hinigpitan ang pagpapatupad sa mga health protocols kasunod ng muling pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa LGU Solano, kagabi ay nakapagtala ang naturang bayan ng karagdagang 47 na bagong kaso na mula sa 10 na barangay.

Tanging mga essential goods at services ang pahihintulutan at lilimitahan din ang paglabas ng mga edad 15pababa at 65 pataas gayundin ang mga indibidwal na nakakaranas ng sakit.

--Ads--

Mahigpit ding ipatutupad ang 50% capacity sa mga pook dasalan,  ang curfew hours mula 10 ng ng gabi hanggang 5 ng umaga, liquor Ban, pagbabawal ng pagsusugal at limitadong operasyon ng mga hotel, fitness centers, amusement at gaming studios maging ang mga shopping centers.

Ipatutupad naman ang granural lockdown sa mga lugar na may mataas na kaso ng Covid-19 at magkakaroon din ng schedule ang mga barangay para makapamalengke ang mga residente habang ang araw ng linggo ay isasarado muna ito at istrikto nang ipagbabawal ang mga talipapa.

Sa mga magtutungo naman sa bayan ng Solano ay kailangang dumaan sa triage area sa Tomas Dacayo Community center para punan ang health assessment form.

Umaasa ang LGU na mapipigilan na muling magkaroon ng outbreak ng COVID-19 sa Solano, Nueva Vizcaya kaya hiniling ang kooperasyon ng mga residente.