--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinatupad sa Santiago City ang tatlong araw na Hard General Community Quarantine (GCQ) mula ngayong March 29 hanggang March 31, 2021.

Sa bisa ng Executive Order No. 2021-03-06 na ipinalabas ni Mayor Joseph Tan, sa ilalim ng Hard GCQ ay mahigpit na ipatutupad ang minimum public health standards na kailangang sundin ng lahat ng pagkakataon para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Mananatiling bukas ang mga pampublikong transportasyon ngunit pinapayagan lamang ang essential travel tulad ng pagpasok sa trabaho ng mga frontliners, pag-avail ng mga emergency health services tulad ng pagpunta sa doctor para sa check-up at pagbili ng mga basic at essential needs.

Ang mga pribadong establisimiyento ay kailangang magpatupad alternative working arrangement tulad ng mga government agencies.

--Ads--

Pinapayagan ang operasyon ng mga essential at non e-ssential services/industries ngunit dapat na matiyak ang pagsunod sa basic health protocol.

Bawal ang paglabas ng mga may edad 17 pababa at 65 pataas, may karamdaman at buntis at ang curfew hours ay mula 10:00PM hanggang 4:00AM.

Pansamantalang ipinatigil ang operasyon ng mga driving schools, sinehan, mga palaruan o arcade, library, museum, cultural centers, cockpit at limitadong serbisyo sa mga gyms, internet cafe, spa, salon, barber shop at iba pang personal care services.

Mapapatawan ng kasong administratibo ang mga opisyal na lalabag sa mga panuntunan habang community service sa mga residenteng violator.

Sa kabuuan, 1,642 na ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Santiago City, 1,495  ang mga gumaling na habang 26 na ang mga nasawi.

Umaasa ang pamahalaang lungsod na tutugunan ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) ang hiling na isailalim ang Santiago City sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) para mapgilan ang patuloy na pagtaas ng COVID-19